|
Exodo.14:13 - Sumagot si Moises, "Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh.”
II. Ang panga-ngatwiran ng tao ay nagsasabing ang pagkakaroon ng kasaganaan at kaginhawahan ay napakainam ngunit minsan sinasabi ng Dios na hindi laging ganoon
Gawa 8:4 - Dahil dito, nagkahiwa-hiwalay ang mga mananampalataya sa iba't ibang lugar, ngunit saanman sila makarating ay ipinapangaral nila ang salita.
· Sa aklat ng mga Gawa 8:1 at 8:4, ang Unang Iglesia ay hindi wastong nagpapatuloy na lumago at lumawak kung kaya’t pinahintulutan ng Dios ang pag-uusig upang mabago ito. Sila ay napilitang umalis sa Jerusalem. Tayo ba ay wastong nagpapahayag ng mabuting balita? O tayo ba ay komportable at mabagal sa paglago? |
|
· Kung minsan kinakailangang yanigin o yugyugin tayo ng Dios upang tayo ay lumabas sa ating komportableng kinalalagyan at muli natin Siyang hanapin at dinggin.
III. Ang panga-ngatwiran ng tao ay nagsasabing ang pagsubok at paghihirap ay hindi mabuti ngunit minsan sinasabi ng Dios na iyon ay mabuti.
· Si Apostol Pablo: Sa Gawa 21, siya ay dinakip at naghintay ng maraming taon upang siya ay mapawalang-sala.
· Ngunit ito ang naging dahilan ng pag-e-ebanghelyo sa mga hari, mga gobernador at mga senador
Roma 8:28 - Ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios. · Tayo ay matutong magtiwala sa kaparaanan ng Dios at lalo natin Siyang sundin ng lubos! |
|
Sunday Message by: Rev. Norman Holmes August 21, 2011 |
|
Continued from page 1 |
