Text Box: OUTREACH REPORT | OUTREACH REPORT | OUTREACH REPORT

Purihin ang Panginoon

sapagkat ang gawain Niya ay nagpapatuloy! Tatlong taon na ang MZCF Old  Zaniga at ang tema ay PAGPAPALAWAK,

PAGPAPATIBAY at       PAGPAPATULOY.

Sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng bawat miembro ay nananatiling silang matatag sa pananampalataya, patuloy na nagtitiwala sa ating Panginoon, at lumalago sa biyaya ng Dios. Maging ang mga            kamanggagawa sa ubasan ay matapat rin na naglilingkod sa ating Panginoon. Tunay na walang  mapagsidlan ang aming kaligayahan sa tuwing nakakarinig kami ng mga patotoo kung paano binago ng ating Panginoon ang kanilang lumang buhay. Narito ang ilan sa kanila:

Alan at Je-anne Veracruz –“Nagpapasalamat kami sa Lord dahil simula nang makilala namin Siya ay maraming pagbabago ang nangyari sa aming buhay at nakaranas din kami ng matitinding pagsubok subalit nagpapasalamat kaming mag-asawa sapagkat hindi kami pinabayaan ng Lord at lalong tumibay ang aming pananampalataya sa Kanya.”

Si Alan at Je-anne ay dating “live-in partner” subalit nang makakilala sa Lord at sa regular na pagdalo ng Bible study at mga gawain, nalaman nila na sila ay namumuhay sa kasalan. Kaya’t sila ay nagpsya na magpakasal at mamuhay ng tama sa paningin ng Diyos at ng tao. Nobyembre 29, 2009 idinaos ang kasalan na

ginanap sa MZCF na pinangunahan ni Ptr. Edwin Abisado. Sa ngayon ang mag-asawa ay nagpapatuloy at matapat na dumadalo ng mga gawain. Si Je-Anne ngayon ay may dinidisciple na samantalang ang kanyang asawa na si Alan ay lumaya na mula sa bisyo ng alak. Ang paglalako ng iba’t-ibang uri ng kakanin ang kanilang ikinabubuhay at tunay na pinagpapala ng Dios ang kanilang hanapbuhay at pamilya.

Fernando at Gemma Supilanas –Ang bisyo ng paninigarilyo ang matagal na bumihag sa kanyang buhay. Kaya’t  dalangin ni Gemma na kanyang asawa ay maalis ito sa kanya.. Sa biyaya ng ating Panginoon simula nang