Continued from page 5

Rodrigo “Mang Ima” Estacio –Siya ay 63 taong      gulang. Siya ay nagtrabaho sa abroad bilang welder ng maraming taon.Kaya’t siya ay nakapagpundar ng 2     bahay at 4 na sasakyan. Maraming bansa na rin ang   kanyang napuntahan. Sabi nga ng ilang nakakakilala sa kanya, ang tawag sa kanya ay “milyonaryo”. Ngunit dahil sa bisyo sa babae, sugal at panloloko,  siya ay           unti-unting  naghirap . Naubos ang kanyang ipon at nawala rin sa kanya ang kanyang pamilya.Namatay ang kanyang asawa habang ang kanyang kaisa-isang anak ay hindi man lamang siya inasikaso maging hanggang ngayon.Kaya’t upang mabuhay, siya’y  namasukan bilang driver ng jeep ng Punta-Quiapo. Subalit nang siya ay    na-stroke  natigil siya sa pagmamaneho at nawalan ng pag-asa sa buhay. Nasabi nya sa kanyang sarili  “lahat ng aking maling itinanim noon ay aking inani ngayon.” Kaya’t malaki ang pagsisisi nya sa lahat ng   kanyang maling nagawa.

Ngunit dumating ang pagkakataon na nakilala nya ang Panginoon sa panahon na talagang suko na siya sa hirap na kanyang naranasan. Tinanggap niya ang Panginoon at mula noon ay nagbago ang kaniyang pananaw sa buhay. Nakita niya na may pag-asa sa ating Diyos. Kaya nga kahit siya ay hirap na umakyat ng hagdang hanggang ikatong palapag upang dumalo ng gawain, hindi ito naging hadlang at

kalimitan ay naroroon na siya maaga pa lamang. Tunay na mabuti ang Dios sa kanyang buhay kaya’t hindi nya ikinahihiya sa iba na ibahagi si Cristo kahit na kung minsan ay tinatawag siyang “pastor”. Ang kanyang karanasan ay nagbibigay kalakasan din sa karamihan na nanlulupaypay. Purihin ang Panginoon.

Maribeth at Vicente Quibral -  “Ito po ang aking patotoo kung paano nabago  ang buhay naming mag-asawa mula ng kami ay makakilala sa Lord. Ako po ang unang umaattend ng Bible Study sa bahay ni Sis. Me-anne. Pinapayagan naman ako ng aking asawa. Hanggang dumating ang panahon na sumama na sa akin sa pagdalo ang aking asawa. Pero napapansin ko sa

aking asawa na parang hindi siya nakikinig at patawa-tawa lang sa tuwing kami ay nag bi-bible study. Subalit hindi ako sumuko sa pananalangin. Hanngang isang pangyayari ang dinanas ng aking asawa. Siya ay nagkaroon ng sakit na muntik na niyang ikamatay. Marahil pinalo siya ng Lord. Nanampalataya kami na siya ay pagagalingin ng ating Diyos. Hindi nga

kami binigo ng Panginoon sapagkat parang nagdahilang lamang siya at nawala na ang sakit. Simula noon siya ay nagdesisyon na dumalo ng gawain at magpabautismo sa tubig. Purihin ang