|
siya ay magpabautismo sa tubig noong Enero, 2011 kasama na rin na nalubog sa tubig ang kanyang bisyo. “Tunay na walang imposible sa ating Diyos at ang lahat ng bagay ay mapapagtagumpayan sa tulong at biyaya ng ating Panginoon,” yan ang patotoo ng kanyang asawa..Purihin ang Panginoon! |
|
Delmar Saplagio –Hindi kasal, may 3 anak, may sakit na TB at paglalabada ang kanyang ikinabubuhay. Siya ay bunga ng evangelism program ng Area 4. Dahil sa |
|
banal na pagkatakot sa Dios nagdesisyon siya na hiwalayan ang kanyang “live-in partner”at umuwi pabalik sa kanyang mga magulang sa Agusan del Norte. Sa tulong ng Panginoon at ng ating City Government pati na ang ilang kapatiran na nagkaloob para sa kanyang pagpapagamot at pamasahe, ang kanyang dalangin ay natupad.Sa ngayon, siya ay nasa huling buwan na ng pag-inom ng kaniyang gamot. |
|
Tumaba at masayang namumuhay kasama ang kanyang mga anak at magulang sa Agusan del Norte. Siya rin ay may church nang dinadaluhan at nakapag-akay na ng kaluluwa sa Panginoon. Nalungkot man kami nang siya ay napalayo sa amin, maligaya na rin kami sapagkat nagbubunga ang binhi na naitanim sa kanyang puso. |
|
Berlin Kate Lacida – Lumaki siya sa pag-aaruga ng hindi niya tunay na mga magulang. “Walang kabuluhan ang aking buhay,” sabi ni Kate sa mga panahong hindi nya pa nakikilala ang Panginoon. Si Kate ay naimbitahang dumalo ng Youth Aflame fellowship isang sabado.Simula noon, ito na ang naging daan upang lalo nyang makilala si Hesus. Sa kanyang matapat na pagdalo, nagbukas din ng oportunidad sa kanya upang ang kanyang talento ay magamit sa paglilingkod sa Panginoon. Nag-aral siyang tumugtog ng gitara. Sa ngayon, siya ay nag- |
|
lilingkod sa aming mid-week fellowship, bible studies at maging sa lingguhang pananambahan sa area 4. Unti-unti nga siyang binago ng ating Dios at sa tuwing siya ay tumutugtog, nakakaranas siya ng kalakasan na nagmumula sa ating Panginoon. Maging ang mga Salita ng Panginoon na kanyang natututunan ay ibinabahagi niya sa kanyang lola na maysakit. Ngayon ay nasabi niya na “naging makabuluhan ang buhay ko mula ng makilala ko si Cristo.” Purihin ang Dios! |