Text Box: OUTREACH REPORT | OUTREACH REPORT | OUTREACH REPORT

             Purihin ang Dios sa Kanyang katapatan at kabutihan sapagkat sa loob ng 15 taon ang MZCF Capuluan, Guinayangan ay hindi Niya nakalimutan.  Sa pagdaraos ng ika-15 taong anibersaryo nitong Setyembre 25 ay muling ipinakita ng Dios ang Kanyang katapatan at kabutihan sa MZCF Capuluan.  Buong puso naming ipinaaabot ang taos puso naming pasasalamat sa Dios at sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng iglesia ng MZCF Capuluan.  Nagpapasalamat kami sa lahat ng pastor sa MZCF Main, sa mga nananalangin para sa Capuluan, at supporters maging sa natural at espiritwal na pagpapala. 

             Sa kasalukuyan may 7 home cells ang MZCF Capuluan, 2 dito ay tinitignan naming maging outreaches:  Ang Arbismen (ito ay along the road) - bago matapos ang taong kasalukuyan nagpaplano kami ng house to house evangelism.  Sa Sabang Cabong, Buenavista – ito ay hindi bahagi ng Guinayangan - mayroong bible study dito, 8 ang regular na dumadalo at may lote na kaming nahiram na pinayagan ng kapitan.  Kailangan lamang na matayuan ng kamalig type na church.  Sa kasalukuyan, ay nagha-hire kami ng single motor para sa pagpunta sa gawain dahil hindi na maaaring tumakbo ng malayo ang motor ng church at madalas na itong masira.  Apat sa cell group ay malayo kaya kailangan naming mag-hire ng motor para pumunta sa gawain.

             Bahagi ng aming pagpapalawak ng gawain ay may limang couples ang tini-train namin sa nurturing lessons, at sila ay bahagi rin ng ministry ng church.  Ang ilan sa kanila ay nagagamit na rin sa cell group, subalit patuloy ang aming panalangin na ang couples na ito ay mag-commit sa mga gawain.  May monthly fellowship na kaming ginagawa upang makapagpalakas ng aming mga relasyon sa isa’t-isa.  Ine-encourage namin ang mga nasa ministry na dumalo ng ZMI Seminar, subalit kadalasan may mga hadlang sa kanilang pagdalo.

             Hinihingi namin ang patuloy ninyong panalangin para sa mga sumusunod na pangangailangan:

· Construction materials para sa patuloy na pagtatayo ng church building. Magkaroon din ng pasanin ang bawat miyembro sa tinatayong building.

· Ilagay ng Dios sa lahat ng nag-aundergo ng Nurturing Lessons (5 couples) ang pasanin na magamit sa gawain.

· Mag-raise up si Lord ng mangunguna sa youth ministry.

· Tricycle o four-wheeled na sasakyan na magagamit sa gawain.

· Outreaches

· Brgy. Sabang Cabong, Buenavista – sariling lote at makapagtayo ng kamalig type na church; materyales na kailangan sa pagtatayo nito (buli, haligi, sawali) at manggagawa na mananatili sa lugar

· Arbismen – house to house evangelism; idalangin ang mga tao at lugar na maging handa; kagamitan na kakailanganin sa evangelism.

· Musical instruments (microphone, sound system) para sa Arbismen outreach.

Ptr. Diony Flores

MZCF-Capuluan